Kinonsulta nitong Lunes, Hunyo 10 ni Wang Yang, punong tagapayong pulitikal ng Tsina ang mga kinatawan mula sa mga di-Komunistang partido, All-China Federation of Industry and Commerce at personaheng walang kinaaanibang partido, hinggil sa pagsasagawa ng de-kalidad na pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon.
Sa symposium, ibinahagi ng nasabing mga kinatawan ang resulta ng kani-kanilang pananaliksik at kaukulang mungkahi. Kabilang sa mga mungkahi ay mas malaking suportang pampatakaran, at mas maayos na talent pool supply para mapasulong ang ibayo pang integrasyon ng digital economy at real economy at iangat ang industriya ng paggawa ng bansa sa katamtaman at mataas na lebel. Bukod dito, kailangan ding palakasin ng bansa ang pagtatatag ng plataporma para sa inobasyong panteknolohiya, at palalimin ang kooperasyong pang-inobasyon sa ilalim ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI). Pinahahalagahan din nila ang mas matingkad na papel ng mga pribadong kompanya sa inobasyon sa mga masusing sektor at pangunahin o core technologies.
Salin: Jade
Pulido: Mac