|
||||||||
|
||
Nitong ilang taong nakalipas, ang kabuhayang Tsino ay nakapasok sa yugto ng pag-unlad sa mataas na kalidad mula yugto ng mabilis na pag-unlad. Ang katangiang ito ay ipinapauna ang kalidad kaysa bilang, ipinupokus ang sistema ng produkto na may elementong high-tech at mataas na karagdagang halaga.
Dito sa Beijing, ang pag-unlad sa mataas na kalidad ay unti-unting nagiging pangunahing katangian ng pag-unlad nito bilang isang modernong lunsod. Kabilang dito, ang inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ay nagsisilbing isang mahalagang pundasyong sumusuporta sa nasabing uri ng pag-unlad ng Beijing.
Noong isang taon, umabot sa 25 libo ang bilang ng mga national high-tech enterprises sa Beijing. Ito ay mas malaki ng 25% kumpara sa taong 2017. Umabot din sa 199 ang bilang ng mga bagong mapanlikhang bahay-kalakal sa Beijing bawat araw, at lumaki ng 10.5% ang napagkasunduang halaga ng mga dokumentong pansiyensiya. Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 111.2 ang bilang ng invention patents per 10,000 population sa Beijing. Magkahiwalay na lumaki ng 13.6% at 15.47% ang bilang ng aplikasyon at pagbibigay-awtorisasyon sa patent kumpara sa gayunding panahon ng taong 2017.
"Sa pamamagitan lamang ng inobasyon puwedeng mapasulong ang pag-unlad, paglaki, at pagtagumpay." Ginagawang isang mahalagang puwersang tagapagpasulong ng Beijing ang pag-unlad ng inobasyon para sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa mataas na kalidad. Sa ilalim ng mga ibinibigay na serbisyo at suportang pampatakaran ng pamahalaan, magiging mas matagumpay at maliwanag ang landas ng pag-unlad ng kabuhayan ng Beijing sa mataas na kalidad.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |