Muling ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng pagpapasulong ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon at pagpapauna ng kapakinabangan ng mga mamamayang Tsino.
Mababasa ang nasabing mga paninindigan sa kanyang artikulo na inilathala nitong Huwebes, Mayo 16, sa Qiushi, opisyal na peryodiko ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Hiniling din niya sa buong bansa na pasulungin ang pinagsama-samang koordinadong pag-unlad sa pagitan ng iba't ibang lugar, sa pagitan ng kanayunan at kalunsuran, at sa pagitan ng pangangailangan sa materyales at paglilinang ng etika at kultura.
Inulit din ni Xi ang mahalagang katuturan ng may harmonyang pakikipamuhayan ng mga tao at kalikasan. Para rito, kailangan aniyang magtipid, pasulungin ang luntiang pag-unlad, at buong sikap na protektahan ang kapaligiran tulad ng pangangalaga sa sariling buhay at mata.
Salin: Jade
Pulido: Rhio