Sa bisperas ng kanyang dalaw-pang-estado sa Republika ng Kyrgyzstan at pagdalo sa Ika-19 na Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), inilabas Martes, Hunyo 11, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang may lagdang artikulong pinamagatang "May China-Kyrgyzstan Friendship Thrive Like an Evergreen Tree," sa pahayagang "Slovo Kyrgyzstan" at Kabar News Agency ng Kyrgyzstan.
Diin ng artikulo, pangmatagalan ang pagkakaibigan ng Tsina at Kyrgyzstan. Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko, nakaranas ang relasyon ng dalawang bansa ng pagsubok ng pabagu-bagong kalagayan ng daigdig, at nagsilbi itong modelo ng bagong relasyon ng mga estado na may paggagalangan, pagkakapantay, kooperasyon, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Tinukoy ng artikulo na ang Kyrgyzstan ay isa sa mga bansang pinakamaagang kumatig at sumali sa konstruksyon ng Belt and Road, at natamo ng kapuwa panig ang isang pangkat ng mga mahalagang bunga sa kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, enerhiya, konstruksyon ng imprastruktura, konektibidad at iba pa.
Anang artikulo, buong pananabik na inaasahan ni Xi na sa pamamagitan ng kanyang gagawing dalaw-pang-estado, itatakda, kasama ni Pangulong Sooronbay Jeenbekov, ang dakilang blueprint ng pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa sa hinaharap, at papatnubayan ang kanilang relasyon at kooperasyon sa iba't ibang larangan sa bagong antas.
Salin: Vera