|
||||||||
|
||
"Ang pambansang seguridad ng Amerika ay nasa panganib." Ito ang katwirang madalas na ginagamit ng Washington habang tinatangkang pigilan ang pag-aangkat ng mga panindang gaya ng bakal, aluminum, sasakyang de-motor at automobile parts, o di kaya ay isinasagawa ang mga ostilong aksyon at nagbabanta sa mga dayuhang bahay-kalakal, mamumuhunan, estudyante at iskolar.
Ayon sa komong palagay ng komunidad ng daigdig, ang pambansang seguridad ay tumutukoy sa kalagayang walang panganib at banta, mula sa loob at labas ng bansa, sa administrasyon, soberanya, unipikasyon, kabuuan ng teritoryo, kabiyayaan ng mga mamamayan, sustenableng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan, at ibang mahahalagang kapakanan ng estado. Maliwanag ang nilalaman ng ideya ng pambansang seguridad. Sa kasalukuyan, bilang unang super power sa daigdig, nagmamalabis sa ideyang ito ang Amerika upang isulong ang proteksyonismong pangkalakalan at hegemonismo.
Ipinakikita ng estadistika na mula noong dekada 80 hanggang unang dako ng kasalukuyang dekada, inilunsad ng Amerika ang 14 na "Section 232 investigation," at 2 kaso lang ang pinatawan ng punitibong hakbangin. Ibig sabihin, noong nakaraan, bihira ang pagpapataw ng Amerika ng sangsyong pangkalakalan, sa katwiran ng pambansang seguridad. Pero sapul noong 2017, itinuring na banta sa pambansang seguridad ng Amerika ang mga produkto ng asero, bakal, aluminum, inangkat na kotse at automobile parts, pamumuhunang dayuhan, dayuhang indibiduwal, dayuhang bahay-kalakal, dayuhang modernong teknolohiya at iba pa, at inilunsad ang maraming kaso ng "Section 232 investigation."
Sa katunayan, ginagamit ng iilang personalidad sa Amerika ang katwiran ng pambansang seguridad, para mabigyang-dagok ang mga trade partner, at mapangalagaan ang sariling lubusang kapakanan.
Tinukoy ng Unyong Europeo (EU) na ang umano'y "banta sa pambansang seguridad" ay katwiran ng panig Amerikano para isagawa ang proteksyonismo sa mga industriya.
Ang pagmamalabis ng Amerika sa ideya ng pambansang seguridad ay hindi lamang nakakapinsala sa kapakanan ng mga trade partner, kundi nakakaapekto rin sa kaayusan at tiwala ng kalakalang pandaigdig. Ito ay nakakapinsala sa sariling interes ng Amerika, at posibleng makasira sa kakayahan nito sa pagtasa sa mga tunay na banta. Iyan ang pinakamalaking bantang kinakaharap ng pambansang seguridad ng Amerika.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |