Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Ako ay magsasakang nakasuot ng amerikana." — Henry Lim Bon Liong

(GMT+08:00) 2019-06-17 12:42:07       CRI

Si Dr. Henry Lim Bon Liong ay bantog na Filipino-Chinese na mangangalakal, at Tagapangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry. Inc. Kapag ipinakikilala ang sarili, madalas niyang sinasabing "ako ay magsasakang nakasuot ng amerikana."

Ang Quanzhou, probinsyang Fujian ng Tsina, ang pinagmulan ng angkan ni Henry. Isinilang siya noong 1951 sa Maynila, at sinimulan niyang pamahalaan ang kanilang kompanya sa edad 25. Sa isang pagkakataon mahigit 20 taon na ang nakararaan, natutunan niya ang bentahe ng hybrid rice at nagsimula siyang nagkaroon ng debosyon sa agrikultura.

Napakabilis aniya ng paglaki ng populasyon ng Pilipinas. Sa panahong iyon, kailangan pang ng bansa na mag-angkat ng bigas, kaya dapat paunlarin ang modernong agrikultura. Ngunit ang hybrid rice ay matagumpay lamang na matatanim sa temperate zone at subtropical zone, at hindi ito nababagay sa klima ng Pilipinas.

Pero, hindi sumuko si Henry. Sa tulong ng kanyang kaibigan, noong taong 1998, bumisita siya kay Yuan Longping, tinaguriang "father of hybrid rice" para pag-aralan kung paano matagumpay na itanim ang hybrid rice sa Pilipinas.

Sa ilalim ng puspusang pagsisikap, noong unang dako ng 2001, lumitaw ang unang uri ng tropics hybrid rice na tinatawag na "Xiling 8." Binigyan din ng papuri ni Yuan Longping ang uring ito.

Kasunod ng walang humpay na pagtaas ng kaalaman ng mga magsasakang Pilipino sa bentahe ng hybrid rice, lumalawak nang malaki ang pinagtataniman ng hybrid rice. Ang mabuting uri ng hybrid rice na hinubog ng grupo ni Henry Lim Bon Liong, ay nakapagbigay ng mabuting ani sa mga magsasakang lokal.

Sa kasalukuyan, ang nasabing uri ng hybrid rice ay hindi lamang naggagarantiya sa food safety ng Pilipinas, kundi napalaganap pa ito sa mga bansang gaya ng Indonesia, Myanmar, Biyetnam, at Cambodia, na nagtamo rin ng napakalaking bunga.

Dahil sa ibinibigay na ambag sa larangan ng agrikultura, ginawaran ng pamahalaang Pilipino ng "Outstanding Agricultural Merchants Award" si Henry Lim Bon Liong.

Sinabi niya na ang pagpapasulong ng pagkakaibigan at pagtutulungang Pilipino-Sino ay sariling responsibilidad at tungkulin. Tulad ng dati, magsisikap ang kanyang pederasyon para mapasulong ang pagpapalitang di-pampamahalaan ng Pilipinas at Tsina, mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan, at mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>