|
||||||||
|
||
Si Chee Hong Tat, Senior Minister of State for Trade and Industry and Education ng Singapore
Sa isang simposyum ng Center for China and Globalization (CCG) na idinaos kamakailan sa Beijing, ipinahayag ni Chee Hong Tat, Senior Minister of State for Trade and Industry and Education ng Singapore, na kinakatigan ng kanyang bansa ang pangangalaga sa kasalukuyang pandaigdigang sistemang pangkalakalan. Aniya, dapat patuloy na "palakihin ang keyk" ng iba't-ibang bansa sa proseso ng globalisasyon.
Ipinahayag niya na dapat isagawa ang reporma sa World Trade Organization (WTO) at regulasyon ng pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan. Ito aniya ay napakahalaga para mapangalagaan ang kasalukuyang sistemang pandaigdig na may pundasyon ng mga regulasyon.
Dagdag pa niya, ang kaunlaran at kasaganaan ng kabuhayang pandaigdig ay depende sa inobasyon at pagsulong ng teknolohiya. Para totohanang mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, nakahanda aniya ang Singapore na ma-ambag sa usaping ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |