Nagbigay-galang kaninang umaga, Biyernes, ika-21 ng Hunyo 2019, sa Pyongyang, Hilagang Korea, sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, at First Lady Peng Liyuan, sa Sino-Korean Friendship Tower.
Kasama sa kanila sa biyahe sina Kim Jong Un, Tagapangulo ng Workers' Party of Korea at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea, at First Lady Ri Sol Ju.
Ang naturang tore ay itinayo noong 1959, bilang paggunita sa kahanga-hangang ambag ng Chinese People's Volunteer Army sa H.Korea.
Salin: Liu Kai