|
||||||||
|
||
Sa International Conference on Cyber Security na ginanap sa Moscow nitong Biyernes, Hunyo 21, 2019, nanawagan si Punong Ministro Dmitri Medvedev ng Rusya na dapat balangkasin ang global standard para pangalagaan ang cyber security.
Sinabi niya na sa kasalukuyang taon, posibleng aabot sa 2.5 trilyong dolyares ang pinsalang dulot ng cyber attack sa kabuhayang pandaigdig. Aniya, ang cyber crime ay nagiging isa sa mga pangunahing panganib sa buong mundo.
Nanawagan din siya sa iba't-ibang bansa na isulong ang kooperasyon para sa cyber security. Nakahanda ang panig Ruso na ibahagi ang kaalaman at karanasan nito sa larangan ng cyber security, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |