Huwebes, Disyembre 20, 2018, isinagawa ng panig Amerikano ang walang batayang pagbatikos sa panig Tsino sa isyu ng cyber security, at iniharap ang "sakdal" sa dalawang tauhang Tsino dahil sa umano'y "cyber theft." Kaugnay nito, ipinahayag Biyernes ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang kilos ng panig Amerikano ay malubhang lumabag sa pundamental na simulain ng relasyong pandaigdig, at grabeng nakakapinsala sa kooperasyong Sino-Amerikano. Buong tatag aniyang tinututulan ito ng panig Tsino, at iniharap na sa panig Amerikano ang solemnang representasyon.
Ani Hua, palagi at malinaw ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa isyu ng cyber security. Buong tatag aniyang nangangalaga ang Tsina sa cyber security, at palagiang tinututulan at binibigyang-dagok ang anumang porma ng cyber theft. Hinding hindi tinatanggap ng panig Tsino ang walang batayang pagbatikos ng panig Amerikano sa umano'y "cyber theft," dagdag ni Hua.
Salin: Vera