Beijing — Idinaos nitong Linggo, Hunyo 23, 2019, ang taunang pulong ng Chinese Academy of Social Sciences (CASS) Forum na may temang "Kaunlaran ng Tsina, oportunidad ng Daigdig." Dumalo rito ang mga kinatawan at kilalang iskolar at eksperto mula sa mga akademiyang pansiyensiya, bantog na think tank, at mataas na organo ng pananaliksik sa siyensiya't teknolohiya para talakayin ang tungkol sa karanasan ng pag-unlad ng Tsina at oportunidad na dulot nito sa daigdig.
Sa kanyang mensahe sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Gao Xiang, Pangalawang Puno ng CASS, na palagiang nakabase ang pag-unlad ng Tsina sa sariling kalagayang pang-estado at praktis, at naisakatuparan nito ang maluningning na milagro ng pag-unlad. Aniya, maraming taong nakalipas, umabot sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig na nagsisilbing mahalagang puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng