Sa isang teleconference ng Konseho ng Estado ng Tsina Martes, Hunyo 25, 2019, nanawagan si Premyer Li Keqiang ng Tsina na buuin ang marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo.
Ipinagdiinan ni Premyer Li na dapat pasulungin ng iba't ibang lugar at departamento ng bansa ang reporma sa pagpapadali ng administrative approval, pagbibigay ng kapangyarihan sa mababang antas ng pamahalaan, at pagpapabuti ng serbisyo, at pagpapaganda ng kapaligirang pang-negosyo.
Saad ni Li, ang reporma sa pagpapadali ng administrative approval, pagbibigay ng kapangyarihan sa mababang antas ng pamahalaan, at pagpapabuti ng serbisyo ay mahalagang hakbangin para maayos na hawakan ang relasyon ng pamahalaan at pamilihan. Makakabuti ito sa pagpapatingkad ng kasiglahan ng pamilihan, at pagpapsulong sa matatag na takbo at de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, aniya pa.
Salin: Vera