|
||||||||
|
||
Lausanne — Idinaos kamakailan ang ika-134 na sesyong plenaryo ng International Olympic Committee (IOC) kung saan inilahad ng Beijing Winter Olympics Organizing Committee ang tungkol sa kalagayan ng paghahanda at ideya sa olimpiyadang ito.
Ipinahayag ni Zhang Jiandong, Pangalawang Alkalde ng Beijing, na tutupdin ng Beijing ang "Olympic Agenda 2020" at magpopokus sa ideya ng pagtitipid, katalinuhan, at luntian. Aniya, sa panahon ng Beijing Winter Olympics, gagamitin sa kauna-unahang pagkakataon, ang Natural Carbon Dioxide Refrigeration System sa mga stadium para mabawasan ang pagbuga ng karbon.
Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, maayos at maalwang pinatatakbo ang iba't-ibang paghahanda para sa 2022 Beijing Winter Olympics.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |