|
||||||||
|
||
Sa kanilang pagtatagpo ngayong araw sa Osaka, Hapon, sa sidelines ng G20 Summit, nagkasundo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika na panunumbalikin ang pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan. Ipinahayag ng panig Amerikano na hindi nito ipapataw ang karagdagang taripa sa mga produktong Tsino. Tatalakayin ng mga grupong pangnegosasyon ng dalawang bansa ang hinggil sa mga may kinalamang detalye.
Walang dudang ang nasabing desisyon ng dalawang lider ay naghahatid ng positibong signal. Angkop ito sa mga hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.
Nitong mahigit isang taong nakalipas sapul nang ilunsad ng pamahalaang Amerikano ang digmaang pangkalakalan laban sa Tsina, hindi lamang apektado ang kalakalang Sino-Amerikano, apektado rin ang kabuhayang pandaigdig. Nitong nagdaang Hunyo, ipinalabas ng World Bank (WB) ang ulat na pinamatagang Global Economic Prospects: Heightened Tensions, Subdued Investment, kung saan ibinaba ng WB ang pagtaya sa paglaki ng kabuhayan ng daigdig sa 2.6%. Ito ay mas mababa ng 0.3% kumpara sa pagtaya nito noong Enero, 2019. Ayon naman sa datos na inilabas kamakailan ng Conference Board, bumaba sa 121.5 ang consumer confidence index ng Amerika, at ito ang pinakamababang lebel sapul noong Setyembre, 2017.
Ipinakita ng mga katotohanan na hindi malulutas ang mga problema sa pamamagitan ng pagpapataw ng karagdagang taripa, at ang patas na pagsasanggunian ay ang siyang tanging kalutasan. Sa pag-uusap nila ni Trump, inulit ni Xi ang katapatan ng Tsina na ituloy ang pakikipagsangguniang pangkalakalan, batay sa pagkakapantay at paggagalangan. Ipinagdiinan din ni Xi ang pananangan ng panig Tsino sa pangangalaga sa mga nukleong interes na may kinalaman sa soberanya at dignidad.
Ipinangako ni Trump na hindi ipapataw ng kanyang administrasyon ang karagdagang taripa sa mga produktong Tsino. Inaasahan ng panig Tsina ang pagtupad ni Trump sa pangako nito.
Sa kanyang talumpati sa katatapos na G20 Summit, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang panig na maghawak-kamay para mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Para rito, ipinatalastas ni Xi ang limang hakbanging isasagawa ng Tsina para sa ibayong pagbubukas sa labas.
Kabilang sa limang pangunahing hakbang ng pagbubukas ng Tsina na nabanggit ni Xi ang una, pagpapalabas ng 2019 version ng negative list para sa akses ng puhunang dayuhan para sa ibayo pang pagbubukas ng agrikultura, pagmimina, manupaktura, at serbisyo ng Tsina, at pagtatatag ng anim na bagong free trade pilot zones; ikalawa, aktibong pagpapalawak ng pagluluwas at ibayo pang pagbabawas ng taripa; ikatlo, patuloy na pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyon at pagpapatupad ng bagong sistemang pambatas hinggil sa puhunang dayuhan simula Enero 1, taong 2020; ikaapat, ganap na pagsasagawa ng pantay na pakikitungo at komprehensibong pag-alis ng mga restriksyon na di mababasa sa nasabing negative list para sa puhunang dayuhan; ikalima, aktibong pagsasagawa ng mga pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan, at pagpapasulong ng pagtatapos ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at pagpapabilis ng talastasan sa China-EU Investment Agreement at talastasan hinggil sa China-Japan-South Korea free trade agreement.
Masasabing anuman ang magiging resulta ng panunumbalik ng talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika, hindi ititigil ng Tsina ang pagtahak sa landas ng pagbubukas sa labas at pagpapaunlad ng sarili. Ito rin ang pundamental na paraan ng Tsina bilang tugon sa lahat ng mga panganib at hamon.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |