Tinikya ngayong araw ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na pahihintulutan ng pamahalaan ang mga kompanyang Amerikano na magbenta ng mga produkto sa Chinese telecom company na Huawei.
Winika ito ni Trump kaugnay ng tanong kung aalisin ang Huawei mula sa Entity List ng Amerika, sa preskon pagkaraan ng kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Osaka, Hapon, sa sidelines ng G20 Summit.
Ani Trump, maaaring magbenta ang mga kompanyang Amerikano ng kagamitan sa Huawei. Nitong nagdaang Mayo, inilakip ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang Huawei at mga sangay nito sa Entity List ng Bureau of Industry and Security para ipagbawal ang pagbebenta o paglilipat ng mga teknolohiyang Amerikano sa Huawei.
Salin: Jade
Pulido: Mac