Bilang pagdiriwang sa ika-22 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong (HK) sa inang-bayan, ipinalabas nitong Lunes, Hulyo 1 ang Evening Gala sa Hong Kong Coliseum. Nagtanghal ang mga alagad ng sining mula sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.
Layon ng pagtatanghal na pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungang pansining sa pagitan ng mga artista mula sa iba't ibang siyudad ng Greater Bay Area. Sa gayon, hindi lamang maipapasa at mapapalaganap ang kulturang Tsino, kundi mapululot din ang mga bunga ng mga dayuhang kalinangan.
Noong Hulyo 1, 1997, bumalik sa inang-bayang Tsina ang Hong Kong makaraan ang ilampung dekadang kolonisasyon ng Britanya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio