Bilang bahagi ng Kasunduan ng Malayang Kalakalan (FTA) ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), magkakabisa sa darating na Hunyo ang pagbabawas ng taripa at mas madaling pagpasok sa pamilihang panserbisyo sa pagitan ng HKSAR at tatlong bansang ASEAN na kinabibilangan ng Myanmar, Singapore at Thailand.
Ito ang ipinahayag ng tagapagsalita ng pamahalaan ng HKSAR nitong Huwebes, Mayo 9.
Ang petsa ng pagkakabisa ng kasunduan ng HKSAR at ibang pitong kasaping bansang ASEAN ay isasapubliko kapag pinagtibay ito.
Nilagdaan ng HKSAR at ASEAN ang FTA at may kinalamang kasunduan sa pamumuhunan noong Nobyembre, 2017, sa sidelines ng Ika-31 ASEAN Summit, na ginanap sa Pilipinas.
Salin: Jade
Pulido: Mac