Ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, sa pagtatapos ng 2018, 94.2% ang consolidation rate ng 9-taong compulsory education ng Tsina, at 9.6 taon ang karaniwang panahon ng pagtanggap ng edukasyon ng mga mamamayan na may gulang na 15 taon at pataas. 518,900 ang kabuuang bilang ng iba't ibang paaralan sa buong bansa, at 276 milyon ang mga mag-aaral sa iba't ibang uri ng edukasyon sa iba't ibang antas. Umabot na sa 1,245 ang mga undergraduate college ng bansa, at 48.1% ang gross enrollment ratio ng higher education.
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Liu Changya, Puno ng Departamento ng Pag-unlad at Pagpaplano ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na sa kasalukuyan, walang humpay na tumataas ang lebel ng pagpapalaganap ng edukasyon sa iba't ibang antas ng Tsina, ibayo pang lumalawak ang pagkakataon para sa pagtanggap ng mga mamamayan ng edukasyon, at nasa katam-taman at mataas na antas sa daigdig ang pangkalahatang lebel ng edukasyon ng Tsina.
Salin: Vera