Ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong 2018, umabot sa mahigit 28 libong yuan RMB ang Per Capita Disposable Personal Income ng bansa, samantalang halos 20 libong yuan naman ang Per Capita Consumption Expenditure.
Ang paglaki ng kita ng mga mamamayang Tsino ay nagresulta sa paglaki ng kanilang konsumo. Ayon pa rin sa estadistika, noong isang taon, 76.2% ang contribution rate ng consumption expenditure sa GDP ng Tsina, at ang bilang na ito ay mas malaki nang 18.6% kumpara sa noong taong 2017. Ipinakikita nitong ibayo pang lumakas ang papel ng konsumo bilang pangunahing lakas-tagapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Kaugnay nito, sinabi minsan ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang pangangailangan ng pamilihan ay mahalagang yaman sa buong mundo, at ang malaking potensyal at magandang prospek ng pamilihan ay isa sa mga pinakamalaking lakas na kompetetibo ng Tsina. Patuloy na isasagawa ng kanyang ministri ang mga hakbangin para ibayo pang palakihin ang konsumo, dagdag ni Zhong.
Salin: Liu Kai