|
||||||||
|
||
Ipinahayag Lunes, Hulyo 8 ni Behrouz Kamalvandi, Tagapagsalita ng Atomic Energy Organization ng Iran na itinaas na ng kanyang bansa ang concentration ng enriched uranium sa 4.5%, at lumampas ito sa 3.67% limitasyong itinakda sa 2015 Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), na kinikilala rin bilang Iran Nuclear Deal.
Sa susunod na yugto, magpoprodyus ang Iran ng 20% uranium enrichment, kung hindi matutugunan ang interes na pangkabuhayan ng bansa ng iba pang mga signatoryong bansa ng JCPOA, dagdag ng tagapagsalita.
Ang limitasyon sa uranium enrichment ay nukleong artikulo ng JCPOA. Ang 90% pataas na enriched uranium ay maaaring gamiting atomic bomb, at halos walang pagkakaibang panteknolohiya sa produksyon ng 20% enriched uranium at 90% enriched uranium.
Ang nasabing aksyon ay isa sa mga katugong hakbangin sa sangsyon ng Amerika. Noong Mayo, 2018, makaraang umurong mula sa JCPOA, muling inilunsad ng Amerika ang serye ng sangsyon laban sa Iran.
Noong 2015, nilagdaan ang JCPOA ng Iran, Amerika, Tsina, Pransya, Rusya, Britanya, Alemanya at Unyong Europeo.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |