Idinaos Hunyo 28, 2019, sa Vienna, Austria, ang Pulong ng Magkasanib na Komisyon hinggil sa Isyung nuklear ng Iran. Dumalo sa pulong si Fu Cong, Director ng Arms Control Department ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Fu na ang lubos at mabisang pagsasakatuparan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o Iran Nuclear Deal ay hindi lamang kahilingan ng UN Security Council, kundi tanging aktuwal at mabisang paraan para malutas ang isyung nuklear ng Iran, at ito ay angkop sa komong interes ng komunidad ng daigdig.
Sa pulong, ipinahayag ng iba't ibang panig na patuloy na pasulungin ang pagsasakatuparan ng kasunduan, at katigan ang obdyektibo at makatarungang pagpapatupad ng responsibilidad ng International Atomic Energy Agency (IAEA).
Salin:Lele