|
||||||||
|
||
Pangunahing tinalakay sa pulong ang pakikipagtulungang pang-seguridad sa loob ng ASEAN at mga panrehiyong isyu, lalo na sa pakikipagtulungan sa panrehiyong banta ng kaligtasan at paglaban sa terorismo.
Ang joint declaration na pinagtibay pagkatapos ng pulong ay nagbigay ng diin sa kahalagahan ng pagtutulungan upang mapanatili ang kaligtasan at katatagan sa rehiyon. Ayon sa joint declaration, itatalaga ng mga bansang ASEAN ang kanilang pagsisikap sa pagtuklas ng bagong larangan ng sustenable na kooperasyon sa seguridad.
Pinagtibay sa pulong ang anim na dokumento, kabilang ang pagpapalakas ng papel ng militar ng ASEAN sa pangangasiwa sa hangganan at seguridad, pagpapalakas ng palitan ng impormasyon upang labanan ang terorismo, at pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng medisinang militar.
Salin: George Guo
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |