Idinaos ika-22 hanggang ika-23 ng buwang ito sa Bangkok, Thailand, ang Ika-34 na Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Kaugnay nito, isiniwalat Hunyo 23, 2019, ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand sa news briefing na sinang-ayunan ng mga lider na kalahok na muling matagpo para sa talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa loob ng taong ito.
Sinabi ni Chan-ocha na pinahahalagahan ng summit ang konstruksyon ng kabuhayan ng rehiyon, at ang RCEP ay kasunduang pangkalakalan na sumasaklaw sa pinakamalaking populasyon ng daigdig. Ito rin aniya ay magiging mahalagang kagamitan ng pagpapasulong ng kalakalan at kabuhayang panrehiyon.
Ipinahayag pa ni Chan-ocha na umaasa ang ASEAN na malulutas ang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa lalong madaling panahon.
Salin:Lele