Binuksan kahapon, Sabado, ika-22 ng Hunyo 2019, sa Bangkok, Thailand, ang dalawang araw na Ika-34 na Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa ilalim ng temang "Pagpapasulong ng Pagkakatuwang, at Pagsasakatuparan ng Sustenableng Pag-unlad," ang pokus ng summit na ito ay pagpapalakas ng komprehensibong kooperasyon ng mga bansang ASEAN batay sa komong interes.
Samantala, ang mga pangunahing paksa ng summit ay kinabibilangan ng mga epekto sa kabuhayan sa rehiyon ng ASEAN na dulot ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, reporma sa World Trade Organization, pagpapasulong sa pagtapos ng talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership sa loob ng taong ito, at iba pa.
Salin: Liu Kai