|
||||||||
|
||
Yangzhou, probinsyang Jiangsu ng Tsina — Idinaos nitong Biyernes, Hulyo 12, 2019 ang Pulong ng Pagpapasigla sa Industriya ng Kanayunan ng Tsina. Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinagdiinan ni Hu Chunhua, Pangalawang Premyer ng Tsina, na dapat malalimang tupdin ang mga inilabas na komento ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) tungkol sa gawain ng kanayunan.
Sinabi ni Hu na ayon sa mga desisyon at pagsasaayos ng Komite Sentral ng CPC at Konseho ng Estado ng bansa, dapat pasulungin ang komong pag-unlad ng una, ikalawa, at ikatlong industriya sa mga nayon, at dapat ding pabilisin ang pagtatatag ng sistemang pang-industriya sa kanayunan upang mapayaman ang pundasyon sa komprehensibong pagpapasigla ng kanayunan.
Tinukoy pa niya na ang pagpapaunlad ng mga industriya sa kanayunan ay dapat maging priyoridad.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |