Inilabas ngayong araw, Lunes, ika-6 ng Mayo 2019, ng pamahalaang Tsino ang time table para sa pagbuo ng mga sistema at mekanismo hinggil sa pinagsasamang pag-unlad ng kalunsuran at kanayunan.
Sa news briefing na idinaos ngayong araw, ipinatalastas ni Chen Yajun, Puno ng Departamento ng Pagpaplano ng Kaunlaran ng Pambansang Komisyon sa Kaunlaran at Reporma ng Tsina, ang nabanggit na time table sa tatlong yugto. Aniya, sa taong 2022, aabot sa inisyal na yugto ang pagbuo ng mga sistema at mekanismo hinggil sa pinagsasamang pag-unlad ng kalunsuran at kanayunan; samantala, aabot ito sa mas mabuting yugto sa taong 2035; at papasok sa hinog na yugto sa kalagitnaan ng siglong ito.
Isinalaysay din ni Chen ang mga target sa pagbuo ng mga sistema at mekanismo hinggil sa pinagsasamang pag-unlad ng kalunsuran at kanayunan, na gaya ng pagsasakatuparan ng pag-ahon ng kanayunan at bagong urbanisasyon, pagpapaliit ng agwat sa pag-unlad ng kalunsuran at kanayunan, ibayo pang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa kanayunan, pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura at kanayunan, at iba pa.
Salin: Liu Kai