|
||||||||
|
||
Ang Liangjiahe ay isang nayon na matatagpuan sa Shaanxi, lalawigan sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina. Sa Liangjiahe si Xi Jinping nagpalipas ng kanyang pitong taong kabataan mula edad 15 hanggang 22. Bunga ng karanasan sa nasabing nayon, nakisalamuha si Xi sa mga magsasakang Tsino sa kanilang pagsubok at pagpursige. Doon din siya nagtakda ng panghabang-buhay ng target na paglingkuran ang mga mamamayang Tsino.
Si Xi, kasama ng mga mamamayang lokal ng Liangjiahe, sa bisperas ng Chinese New Year noong 2015
Sa kanyang biyahe sa Estados Unidos noong Setyembre 22, 2015, ikinuwento ni Xi sa mga panauhing Amerikano ang hinggil sa kanyang karanasan sa Liangjiahe.
"Noong katapusan ng dekada 60, nang 15 taong gulang pa ako, dumating ako ng Liangjiahe. Pitong taon namuhay ako roon. Hinirang ako ng mga mamamayang lokal bilang puno ng nayon at namuno sa pagpapaunlad ng lokalidad. Ang pinakahangad ko ay magpakabusog sa karne ang mga kasamahang magsasaka at madalas silang kumain ng karne."
Si Xi noong 1972
Noong 1969, ang 15 taong gulang na si Xi, kasama ng iba pang 17 milyong kabataang Tsino sa mga lunsod ay pumunta sa kanayunan at nakisalamuha sa mga magsasaka. Sa loob ng pitong taon, sabay na namuhay at nagtrabaho si Xi at mga magsasakang lokal. Doon, sumapi si Xi sa Partido Komunista ng Tsina (CPC). Nang balik-tanawin ang buhay sa Liangjiahe, saad ni Xi, bilang isang tagapaglingkod ng mga mamamayan, nakaugat siya doon. Doon din siya nagkaroon ng di-nagbabagong resolusyong gawin ang lahat ng makakabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa bisperas ng Spring Festival noong 2015, bumalik si Xi sa Liangjiahe na lagi siyang nangungulila. Kinumusta niya ang mga mamamayang lokal sa kanilang palayaw.
Si Xi sa Amerika noong Setyembre, 2015
Ibinahagi rin ni Xi ang pagbabago ng Liangjiahe sa kanyang biyahe sa Amerika.
"Iba na ang Liangjiahe. Mayroon na itong lansangang aspalto. Ginagamit ng mga taga-nayon ang Internet. Mayroon din silang medicare at pension. Tumatanggap ang mga bata ng mainam na edukasyon. Siyempre, hindi na problema ang pagkain ng karne. Napagtanto kong ang Chinese dream ay pangarap ng mga mamamayang Tsino. Layon nitong isakatuparan ang mga hangarin ng mga mamamayan para sa magandang pamumuhay. "
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |