|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Martes, Hulyo 16, 2019 ni US President Donald Trump na dahil binili na ng Turkey ang S-400 air defense missile system mula sa Rusya, hindi na ibebenta ng Amerika ang mahigit isang daang F-35 na eroplanong pandigma sa nasabing bansa.
Bukod dito, binatikos din ni Trump ang dating administrasyon ni Barack Obama. Aniya, dahil tinanggihan ng dating administrasyon ang pagbenta ng patriot missile defense system sa Turkey, binago ng Turkey ang kapasiyahan nito.
Ayon sa batas ng Amerika, bunsod ng pagbili ng Turkey ng nasabing sistema mula sa Rusya, puwedeng ipataw ng Amerika ang sangsyon laban sa Turkey. Kaugnay nito, hindi ginawa ni Trump ang direktang reaksyon. Ani Trump, kasalukuyang nagkokoordinahan ang Amerika at Turkey tungkol dito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |