|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap sa telepono nina Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey at Pangulong Donald Trump ng Amerika, tinalakay nila ang hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon.
Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon sa social media ni Fahrettin Altun, Puno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Palasyong Pampanguluhan ng Turkey, na muling iminungkahi ni Erdogan na buuin ang joint working group ng Turkey at Amerika hinggil sa pagbili ng Turkey ng S-400 air defense missile system na yari ng Rusya.
Sinabi naman ng White House na sa pag-uusap, tinalakay ng dalawang lider ang isang serye ng isyung bilateral na kinabibilangan ng pagdaragdag ng bilateral na kalakalan, pagbabawas ng taripa ng mga inaangkat na asero mula sa Turkey, pagbili ng Turkey ng S-400 air defense missile system, at iba pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |