Nitong nakalipas na ilang panahon, paulit-ulit na dinungisan ng opisyal na Amerikano ang kooperasyong Tsina-Venezuela at Sino-Latin Amerikano. Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Hulyo 16, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang batayan ang iba't ibang pagdungis ng panig Amerikano, at "sour grapes" lang ang ganitong pananalita.
Ayon sa ulat, sinabi kamakailan ni Craig Faller, Komander ng Southern Command ng Amerika, na ang Tsina ay pinakamalaking nagpapa-utang sa Venezuela. Tungkol dito, tinukoy ni Geng na ang kooperasyong Tsina-Venezuela at Sino-Latin Amerikano ay nababatay sa ideya ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan, kooperasyon, at win-win na resulta. Nakapaghatid aniya ito ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng kapuwa panig, at nakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan sa lokalidad. Ang ganitong kooperasyon ay unibersal na tinatanggap ng mga mamamayan ng Venezuela at Latin Amerika, dagdag niya.
Salin: Vera