Inulat ng media ng Czech Republic, na naisagawa ng Tsina ang mga katugong hakbangin laban sa mga kontra-Tsinang aksyon ng pamahalaang munisipal at alkalde ng Prague, kabisera ng Czech. Kaugnay nito, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ginawa ng pamahalaan at alkalde ng Prague hinggil sa isyu ng Taiwan at isyu ng Tibet ng Tsina ay matinding nakasakit sa damdamin ng mga mamamayang Tsino. Nakakapinsala rin aniya ito sa magandang atmospera ng ugnayan ng dalawang bansa, lalo na ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga pamahalaang lokal.
Hinimok din ni Geng ang pamahalaan at alkalde ng Prague na iwasto ang kamalian sa lalong madaling panahon at huwag sirain ang pangkalahatang relasyon ng Tsina at Czech Republic.
Salin: Jade
Pulido: Rhio