Idinaos Marso 31, 2019 sa Beijing ang seremonya ng pagsisimula ng paglilimbag ng serye ng mga aklat para sa Ika-60 anibersaryo ng Demokratikong Reporma ng Tibet.
Pitong bagong aklat ang ipinalabas sa seremonya. Ipinahayag ni Hong Tao, Puno ng Publishing House ng Kulturang Tibetano ng Tsina, na nilalaman ng mga aklat ang mga mahalagang larawan at salita, biography ng mga tao, kasaysayan ng iba't ibang lokalidad at karanasan ng turismo. Ang mga ito aniya ay nagpapakita ng pagbabago ng Tibet sapul nang isagawa ang Demokratikong Reporma nitong 60 taong nakalipas.
Ang nasabing aktibidad ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng Samahan ng Pangangalaga at Pag-unlad ng Kultura ng Tibet ng Tsina at Sentro ng Pananaliksik ng Kulturang Tibetano ng Tsina.
Salin:Lele