Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: tinig ng mga bagong sibol na ekonomiya, dapat pataasin sa reporma ng IMF

(GMT+08:00) 2019-07-18 11:41:25       CRI

Ipinatalastas Martes, Hulyo 16, 2019 ng International Monetary Fund (IMF) na tinanggap nito ang kahilingan ni Managing Director Christine Lagarde na magbitiw sa tungkulin. Anang IMF, agarang sisimulan ang prosidyur ng pagpili ng susunod na managing director. Sa kasalukuyan, sumusulong ang ika-15 General Review of Quotas sa IMF: sinumang hahalili kay Lagarde ay dapat sumunod sa agos ng panahon, aktibong pasulungin ang reporma sa kota at pangangasiwa ng IMF, at patuloy na pataasin ang tinig at pagkatawan ng mga bagong-sibol na pamilihan at mga umuunlad na bansa, para mapangalagaan ang legalidad at bisa ng IMF.

Sapul nang manungkulan bilang managing director ng IMF noong 2011, mahalagang pagsisikap ang ginawa ni Lagarde para mapasulong ang reporma ng nasabing institusyon. Noong 2016, nagkabisa ang plano ng IMF sa 2010 Quota and Governance Reforms. Ayon sa planong ito, halos 6% kota ang lumipat sa mga bagong-sibol na pamilihan at mga umuunlad na bansang kapos sa pagkatawan. Tumaas sa ika-3 puwesto ang karapatan sa pagboto ng Tsina, mula ika-6 noong nakaraan. May pagtaas din ang karapatan sa pagboto ng mga bansang gaya ng India, Rusya, at Brazil. Samantala, ibinigay ng mga maunlad na bansa sa Europa ang dalawang luklukan ng directorate na tagapagpaganap sa mga bagong-sibol na pamilihan at umuunlad na bansa. Ang lahat ng mga direktor na tagapagpaganap ay pinipili, sa pamamagitan ng halalan.

Pero ang kalagayan ng kota at pangangasiwa ng IMF ay hindi pa rin obdyektibong nagpakita ng pagbabago ng kayariang pangkabuhayan. Halimbawa, ang proporsyon ng GDP ng mga bagong-sibol na pamilihan at umuunlad na bansa ay katumbas ng kalahati ng buong mundo, at lampas sa 80% ang contribution rate nila sa paglago ng kabuhayang pandaigdig. Samantalang bumaba sa halos 20% ang proporsyon ng Amerika sa kabuhayang pandaigdig, pero pinakamalaki pa rin ang karapatan sa pagboto nito sa IMF, at mayroon itong veto power sa mga mahalagang kapasiyahan.

Sa kasalukuyan, ang kota sa pagboto ng iba't ibang ekonomiya ay hindi tugma sa katayuang pangkabuhayan. Ito ay hindi lamang nakakapinsala sa interes ng mga bagong-sibol na pamilihan at mga umuunlad na bansa, kundi nakakaapekto rin sa pagkatawan, obdyektibidad at legalidad ng IMF.

Sa hinaharap, sinuman ang mangungulo sa IMF, makikitang ang walang humpay na pagtaas ng proporsyon ng mga bagong-sibol na pamilihan at mga umuunlad na bansa sa kabuhayang pandaigdig ay magiging galaw ng panahon. Kaya kailangang patuloy na pataasin ang kota at porporsyon ng nasabing mga bansa sa IMF, saka lamang mas mabisang mahaharap ng IMF ang krisis, mapapangalagaan ang katatagan ng pinansyang pandaigdig, at mapapasulong ang pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, tungo sa mas makatarungan at makatwirang direksyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>