Ayon sa ulat na inilabas nitong Martes, Abril 9, ng International Monetary Fund (IMF), tinatayang aabot sa 3.3% ang paglaki ng pandaigdig na kabuhayan. Ito ay mas mababa ng 0.2% kumpara sa pagtaya ng IMF nitong nagdaang Enero.
Ayon sa naturang pagtaya, sa 2019 at 2020, aabot sa 1.8% at 1.7% ayon sa pagkakasunod ang paglaki ng mga maunlad na ekonomiya. Samantala, aabot naman sa 4.4% at 4.8%, sa 2019 at 2020, ang pagtaas ng kabuhayan ng mga bagong-sibol na pamilihan at umuunlad na bansa.
Anang ulat, dahil sa mahigpit na pandaigdig na kalakalan at kapaligirang pinansyal, at mga di-matatag na patakaran, nagsimula nang bumaba ang pag-unlad ng pandaigdig na kabuhayan noong huling dako ng 2018. Pero, dagdag ng ulat, inaasahang bubuti ang kalagayan sa huling dako ng taong ito, at sa 2020, babalik sa lebel na 3.6% ang paglaki ng kabuhayan ng daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio