Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan Miyerkules, Hulyo 17, 2019 ang Ika-4 na China-ASEAN Ethnic Culture Forum. Ang tema ng nasabing porum ay "Kooperasyong Panrehiyon at Komong Kaunlaran ng Etnikong Kultura ng Tsina at ASEAN." Kalahok dito ang mahigit 150 iskolar at panauhin mula sa Tsina, Pilipinas, Kambodya, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand, Biyetnam, Indonesia, Brunei, Hapon at iba pang bansa.
Sa nasabing porum, nagpalitan ng kuru-kuro ang mga dalubhasa't iskolar hinggil sa 3 paksang kinabibilangan ng pagpapalitan at pagbabahagi ng etnikong kultura ng Belt and Road, turismong pangkultura at berdeng pag-unlad, at turismo ng etnikong kultura at pag-unlad ng lunsod.
Salin: Vera