|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Martes, Hunyo 25, sa Jakarta, Indonesia ang Porum ng ASEAN at Belt and Road Initiative na may temang "Mga Prospek para sa Komong Kaunlaran at Ibinabahaging Kasaganaan."
Ang porum ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng Misyon ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN); Misyon ng Pilipinas sa ASEAN; at Habibie Center, kilalang think tank ng Indonesia. Lumahok dito ang mahigit 100 kinatawan ng sektor na akademiko, pamahalaan, think tank at media organization, mula sa mga bansa ng at Tsina.
Ipinahayag ng mga kinatawan ng ASEAN ang pagkilala sa Belt and Road Initiative (BRI) na nagtatampok sa magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag, at magkakasamang pagbabahagi. Umaasa anila silang mapapasulong ang konektibidad, matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan, at mapapasulong ang komong kasaganaan ng rehiyon, sa pamamagitan ng magkakasamang pagpapasulong ng BRI.
Sa kanya namang talumpati, nilagom ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, ang mga natamong bunga ng Tsina't ASEAN sa magkasamang pagpapasulong ng pag-uugnay ng BRI, ASEAN Vision 2025, at mga pambansang estratehiya ng mga kasaping bansa ng ASEAN. Ipinahayag din niya ang tiwala sa potensyal ng pagtutulungan ng Tsina't mga bansang ASEAN sa aspektong ito para ibuhos ang bagong kasiglahan sa pagtutulungan ng rehiyon.
Si Huang Xilian
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |