Nag-usap sa telepono, kagabi, Huwebes, ika-18 ng Hulyo 2019, sina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer ng bansa, at Puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika; Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika.
Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa pagpapatupad ng mga komong palagay na narating ng mga lider na Tsino at Amerikano sa pagtatagpo sa Osaka, Hapon, at pagsasagawa ng susunod na pagsasanggunian.
Lumahok din sa pag-uusap ang mga opisyal na Tsinong kinabibilangan ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Salin: Liu Kai