Kinatagpo Hulyo 22, 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan, Crown Prince ng Abu Dhabi of the United Arab Emirates (UAE) na dumadalaw sa Tsina. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa relasyon ng Tsina at UAE at mga isyung pandaigdig at panrehiyon.
Tinukoy ni Xi na mabunga at matagumpay ang kanilang pag-uusap at sinaksihan nila ang pagdating ng mga kasunduang pangkooperasyon. Aniya, dapat magkasamang palalimin ng dalawang bansa ang diyalogo ng sibilisasyon at pasulungin ang katatagan at pangmalayuang pag-unlad ng estratehikong partnership, upang magbigay ng bagong ambag sa kapayapaan at harmoniya ng daigdig.
Sinang-ayunan naman ni Sheikh Mohammed ang mga palagay ni Pangulong Xi hinggil sa bilateral na relasyon at kalagayan ng daigdig. Dagdag niya, sa ilalim ng pagsisikap ng dalawang panig, nananalig siyang ang mga kasunduang pangkooperasyon ay nagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Lele