|
||||||||
|
||
Brazil — Nitong Biyernes, Hulyo 26 (local time), 2019, dumalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pormal na pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa). Nangulo sa pulong si Ernesto Araújo, Ministrong Panlabas ng Brazil.
Ipinahayag ni Wang na kasalukuyang kinakaharap ng daigdig ang di-katulad na pagbabago. Aniya, ang magkakasunod na pag-ahon ng mga bagong-sibol na ekonomya at mga umuunlad na bansa, ay malakas na nakakapagpasulong sa proseso ng dibersidad ng daigdig.
Dagdag pa niya, ang unilateralismo ay nakakasira sa regulasyong pandaigdig, nagbabanta sa pagpapatupad ng batas sa daigdig, at nagdaragdag ng kawalang katatagan at katiyakan sa daigdig. Dapat aniyang magkakasamang pangalagaan ng mga bansang BRICS ang multilateralismo at sistemang pandaigdig na ang United Nations (UN) ay nukleo.
Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa kasalukuyang situwasyong pandaigdig, maiinit na isyung panrehiyon, at BRICS cooperation. Buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na dapat pangalagaan ang layunin at prinsipyo ng "UN Charter," ipagtanggol ang multilateralismo at malayang kalakalan, at tutulan ang unilateralismo at proteksyonismo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |