Bago idaos ang G20 Summit, nagtipun-tipon ngayong araw sa Osaka, Hapon, ang mga lider ng Brazil, Russia, India, China at South Africa (BRICS.) Buong pagkakaisang ipinahayag ng mga lider na pahigpitin ang koordinasyon ng mga bansa ng BRICS para mapangalagaan ang multilateralismo, mapasulong ang pagbuo ng makatarungan at sustenableng modelo ng pag-unlad at pagkalakalna na nagtatampok sa paggagalangan, at itakda ang mas balanseng proseso ng talastasan hinggil sa kalakalang pandaigdig. Sa gayon, magbibigay ang mga kasaping bansa ng BRICS ng mas malaking ambag sa komong kasaganaan at paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ang pulong na pinanguluhan ni Jair Bolsonaro, Pangulo ng Brazil at kasalukuyang tagapangulo ng BRICS, ay nilahukan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Punong Ministro Narendra Modi ng India, at Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika.
Salin: Jade
Pulido: Mac