|
||||||||
|
||
Cape Town International Convention Center, Timog Korea — Binuksan Lunes, Abril 1, 2019, ang dalawang araw na ika-4 na taunang pulong ng New Development Bank BRICS (NDB BRICS) kung saan tinalakay ang tungkol sa ibayo pang pagpapalakas ng kooperasyong pinansyal sa pagitan ng mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa).
Ang tema ng nasabing pulong ay "magkakasamang magsikap para mapasulong ang sustenableng pag-unlad." Sa kanyang talumpati, sinabi ni K. V. Kamath, Puno ng NDB BRICS, na ang pokus ng mga gawain ng bangko sa hinaharap ay ilalagay sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad. Kakatigan din aniya ng NDB BRICS ang mga kaukulang pagsisikap ng mga bansang BRICS.
Isiniwalat din niya na sa kasalukuyan, ang halos 80% pautang ng nasabing bangko ay ginagamit sa mga larangang gaya ng komunikasyon, malinis na enerhiya, yamang tubig, at paghawak sa mga kontaminadong tubig. Sa kasalukuyang taon, lalaki sa 16 na bilyong dolyares mula sa kasalukuyang 8 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pautang ng NDB BRICS, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |