Pinasinayaan sa Bangkok, Thailand, Lunes, Hulyo 29, 2019 ang anim na araw na "Ika-52 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga Bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Serye ng Pulong ng ASEAN."
Sa nakatakdang seremonya ng pagbubukas ng Ika-52 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN sa Hulyo 31, inaasahang bibigkas ng talumpati si Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand. Ayon sa iskedyul, magkakasunod na gaganapin ang serye ng pulong na gaya ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina (10+1), Ika-20 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3), Ika-9 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Summit ng Silangang Asya, at Ika-26 na Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng ASEAN Regional Forum (ARF).
Ayon sa ulat, dadalo sa nasabing serye ng pulong si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina. Isasagawa rin niya ang opisyal na pagdalaw sa Thailand.
Salin: Lito