Lumahok ngayong araw, Lunes, ika-4 ng Hunyo 2018, sa Singapore, si He Lei, Pangalawang Puno ng Academy of Military Sciences ng People's Liberation Army ng Tsina, sa Pulong sa mga Patakarang Panseguridad ng Association of Southeast Asian Nations Regional Forum (ARF).
Nagtalumpati siya hinggil sa kaayusang panrehiyon alinsunod sa mga tuntunin.
Sa pulong na ito, nagpalitan ng palagay ang mga kalahok hinggil sa balangkas na panseguridad ng rehiyong ito, mga bagong teknolohiyang panseguridad, mga hamon sa seguridad at suliraning pandepensa ng Asya-Pasipiko, at iba pang paksa.
Salin: Liu Kai