Nakatakdang dumalaw sa Pilipinas si Susan Thornton, Acting Assistant Secretary ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, mula ika-23 hanggang ika-24 ng Mayo, 2017. Pagkatapos, dadalaw siya sa Tsina mula ika-25 hanggang ika-26.
Sa kanyang gagawing biyahe sa Pilipinas, lalahok si Thorton sa Pulong ng Matataas na Opisyal ng Summit ng Silangang Asya (EAS), Pulong ng Matataas na Opisyal ng ASEAN Regional Forum (ARF), at Pulong ng Matataas na Opisyal ng Lower Mekong Initiative (LMI).
Sa kanyang pagdalaw sa Tsina, makikipag-usap si Thornton sa mga opisyal na Tsino hinggil sa isyung bilateral at panrehiyon na kapuwa pinahahalagahan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio