Ipinahayag Huwebes, Agosto 1, 2019 sa Beijing ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na may dalawang bahagi ang katatapos na ika-12 round ng pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa mataas na antas: una, ipinaliwanag ang mga kuru-kuro noong nakaraan hinggil sa isyung pangkabuhaya't pangkalakalan; at ika-2, nilinaw ang simulain at paraan ng pagsasanggunian sa susunod na hakbang.
Aniya, matapat, mabisa at konstruktibo ang kasalukuyang round ng pagsasanggunian, at natapos ito ayon sa nakatakdang iskedyul. Sa Agosto, ipagpapatuloy ng kapuwa panig ang madalas na pagsasanggunian, dagdag ni Gao.
Ayon kay Gao, nakatakda ang magkabilang panig na idaraos sa Amerika sa Setyembre ang susunod na round ng pagsasanggunian sa mataas na antas.
Salin: Vera