Ini-ere kamakailan sa PBS SoCal, channel ng Public Broadcasting Service sa Los Angeles, Amerika, ang dokumentaryo hinggil sa pagbabawas ng kahirapan ng Tsina, na ginawa ng China Media Group (CMG). Ito ang kauna-unahang pagsasahimpapawid ng programa tungkol sa paksang ito sa pangunahing media ng Amerika.
Ang naturang dokumentaryong may pamagat na Voices from the Frontline: China's War on Poverty, ay ini-host at sinulat ni Robert Lawrence Kuhn, kilalang Amerikanong public intellectual at special host ng CMG. Si Peter Getzels, kilalang direktor na Amerikano, ay namuno naman sa production team na binuo ng mga tauhang Tsino at Amerikano.
Dalawang taon ang paggawa ng dokumentaryo. Humarap sa kamera ang mga mahihirap sa Guizhou, Gansu, Xinjiang, Shanxi, Sichuan, at Hainan ng Tsina.
Ang dokumentaryo ay itinuturing na pagtasa sa gawain ng pagbabawas ng kahirapan ng Tsina. Sa pamamagitan ng mga aktuwal na kaso, ipinakikita nito ang mga bunga sa aspektong ito, at pinag-usapan din ang mga umiiral na problema.
Salin: Liu Kai