|
||||||||
|
||
Kasalukuyang nararanasan ng Tsina ang Sanfu, pinakamainit na panahon sa taon. Sa pagsuong sa napakainit na sikat ng araw, nananatili sa puwesto at abalang abala sa pagsusuri at pagkukumpuni sa tren ng kargo si Zhang Min, teknisyan ng China Railway Hefei Section. Siya ang namamahala sa pagsusuri sa 300 karwahe ng 15 tren araw-araw. Isang martilyo, isang flash light at isang liyabe ang lahat ng kasangkapan ni Zhang.
Dahil sa impluwensiya ng kanyang ama at lolo, na kapuwa teknisyan ng riles, naging teknisyan din si Zhang Min noong 2010 makaraang matapos niya ang serbisyong militar. Sa mata ng iba, mahirap ang trabaho ni Zhang, pero, masipag at masigasig siya. "Minamahal at sinisikap ko ang anumang trabaho, bilang sundalo noon at bilang teknisyan ngayon, " imik ni Zhang.
Si Zhang habang nagpapahinga at umiinom ng tubig sa pagitan ng trabaho
Si Zhang habang nagsusuri sa tren
Wala pang 10 minuto na nagtatrabaho, basang basa sa pawis ang uniporme ni Zhang
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |