|
||||||||
|
||
Ginanap Miyerkules, Hulyo 31, 2019 sa Bangkok, Thailand, ang Ika-52 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa magkasanib na komunikeng inilabas nang araw ring iyon, binigyang-diin na dapat pag-ibayuhin ng iba't ibang bansang ASEAN ang kooperasyon, at i-upgrade ang partnership, upang maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng ASEAN sa masalimuot at pabagu-bagong kalagayang panrehiyo't pandaigdig.
Inulit ng nasabing komunike ang pagkatig sa multilateralismo at ideya ng sustenableng pag-unlad, at pagpapaliit ng agwat ng pag-unlad sa loob ng ASEAN. Anito, masipag na hahanapin ng mga bansang ASEAN ang sinerhiya ng Master Plan on ASEAN Connectivity 2025 (MPAC 2025) at ibang estratehiya ng konektibidad sa loob ng rehiyon, para mapasulong ang pagpapalitan ng tauhan at mga organo ng rehiyon.
Nanawagan din ang ASEAN sa kaukulang panig na kailangang matapos ang talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa loob ng kasalukuyang taon, at marating sa wakas ang isang moderno, komprehensibo, de-kalidad, at may mutuwal na kapakinabangang kasunduan sa economic partnership.
Binigyang-diin ng komunike ang mahalagang papel ng mekanismo ng kooperasyon ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3) sa pagpapasulong sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon ng Silangang Asya.
Anang komunike, patuloy na palalakasin ng iba't ibang bansang ASEAN ang kooperasyon, bibigyang-dagok ang iba't ibang porma ng krimen na gaya ng marahas na ekstrimismo, pagpoprodyus at pagpupuslit ng droga, at human smuggling, at pahihigpitin ang kooperasyon sa larangan ng cyber security. Bukod dito, magpupunyagi ang ASEAN para mapangalagaan at mapasulong ang kapayapaan, kaligtasan at katatagan ng South China Sea. Binigyang-diin din nito ang komprehensibo't mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |