|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa Beijing Miyerkules, Hulyo 31, 2019 ni Li Chenggang, Asistenteng Ministro ng Komersyo ng Tsina, na noong unang hati ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 291 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na mas malaki ng 4.2% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang ASEAN ngayon ay ang ikalawang pinakamalaking trade partner ng Tsina, aniya.
Aniya, sa kasalukuyan, mabilis na umuunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at lumalawak ang saklaw ng kalakalan.
Ipinahayag din niya ang kahandaan ng panig Tsino na lubusang patingkarin ang papel ng China-ASEAN Expo (CAExpo) at China International Import Expo (CIIE). Nakahanda rin aniyang mag-angkat ang Tsina ng mas maraming produkto mula sa mga bansang ASEAN.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |