Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Limang bagong komong palagay, narating ng Tsina't ASEAN

(GMT+08:00) 2019-08-01 09:18:50       CRI

Nagpulong nitong Miyerkules, Hulyo 31 sa Bangkok, Thailand, ang mga ministrong panlabas ng Tsina at sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nakahanda ang dalawang panig na itatag ang mas mahigpit na relayson. Sa pagharap sa mga media pagkaraan ng pulong, inilahad ni Wang Yi, kalahok na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang limang natamong komong palagay sa katatapos na pulong.

Una, magkasamang pagpapasulong ng Tsina't ASEAN sa pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025.

Ikalawa, paglulusad ng mga bagong programang pangkooperasyon ng Tsina't ASEAN. Kabilang dito ang pagtatakda ng 2020 bilang Taon ng Kooperasyon ng Tsina't ASEAN sa Digital na Kabuhayan, para mapalawak ang pagtutulungan sa e-commerce, inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, 5G network, smart city at iba pa. Kasabay nito, pinasinayaan ang China-ASEAN Young Leaders' Scholarship. Bukod dito, sumang-ayon ang dalawang panig na pasulungin ang blue economy partnership para pasimulan ang bagong pagtutulungan sa sustenableng paggagalugad at paggamit ng yamang-dagat.

Ikatlo, magkasamang pangangalaga ng Tsina't ASEAN sa multilateralismo. Para rito, komprehensibong tutupdin ng dalawang panig ang China-ASEAN Free Trade Area Upgrading Protocol na nilagdaan noong 2015, at tatapusin ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa katapusan ng taong ito.

Ikaapat, magkasamang pagbabalangkas ng mga alituntuning panrehiyon para mapanatili ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon. Bunga nito, natapos ng mga ministrong panlabas sa kapipinid na pulong ang unang pagbasa sa Single Draft Negotiating Text ng Code of Conduct (COC) in the South China Sea.

Ikalima, magkasamang pangangalaga ng Tsina't ASEAN sa kapayapaan at katatagan, dahil hindi lamang ito komong mithiin ng mga mamamayan ng dalawang panig, kundi komong responsibilidad din ng dalawang panig. Kaugnay nito, idinaos na Tsina't ASEAN ang dalawang magkasanib na ensayo sa karagatan, at ipagpapatuloy ito. Tinalakay rin ng dalawang panig ang hinggil sa institusyonalisasyon ng pagtatagpo ng mga mga ministrong pandepensa, at iba pang mga pagpapalitan at pagtutulungang militar at pagpapatupad sa batas.

Diin ni Wang, patuloy na ipapauna ng Tsina ang ASEAN sa diplomasya nito sa mga kapitbansa para maiangat pa ang estratehikong partnership ng dalawang panig at itatag ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.

Salin: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>